15 Matapos basahin ang ilang bahagi ng mga aklat ng Kautusan at ng mga Propeta, nagpasabi sa kanila ang mga tagapamahala ng sinagoga, “Mga kapatid, kung mayroon kayong ituturo sa mga tao, maaari kayong magsalita.”
16 Kaya't tumayo si Pablo at sinenyasan silang tumahimik,“Mga Israelita, at kayong lahat na may takot sa Diyos, makinig kayo!
17 Ang Diyos ng ating bansang Israel ang pumili sa ating mga ninuno. Sila'y ginawa niyang isang malaking bansa habang naninirahan pa sila sa lupain ng Egipto, at sila'y inilabas niya doon sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan.
18 Sa loob ng apatnapung taon, sila ay pinagtiisan niya sa ilang.
19 Nilipol niya ang pitong bansa sa lupain ng Canaan at ibinigay sa mga Israelita ang lupain ng mga Canaanita
20 sa loob ng halos 450 taon.“Pagkatapos, sila'y binigyan niya ng mga hukom, hanggang sa panahon ng propetang si Samuel.
21 Nang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Diyos ang isang lalaking mula sa lipi ni Benjamin, si Saul na anak ni Cis. Naghari si Saul sa loob ng apatnapung taon.