28 Kahit na wala silang sapat na dahilan upang siya'y ipapatay, hiniling pa rin nila kay Pilato na siya'y hatulan ng kamatayan.
29 At nang matupad na nila ang lahat ng nasusulat tungkol sa kanya, siya ay ibinabâ nila sa krus at inilibing.
30 “Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos,
31 at sa loob ng maraming araw, siya ay nagpakita sa mga sumama sa kanya sa Jerusalem mula sa Galilea. Ngayon, sila ang mga saksi niya sa mga Israelita.
32 Ngayon ay dala namin sa inyo ang Magandang Balita, na ang pangako ng Diyos sa ating mga ninuno
33 ay tinupad na sa atin na kanilang mga anak, nang muli niyang buhayin si Jesus. Ito ang nakasulat sa ikalawang Awit,‘Ikaw ang aking Anak,mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.’
34 Tungkol naman sa kanyang muling pagkabuhay at di pagkabulok ng kanyang katawan ay sinabi ng Diyos,‘Ipagkakaloob ko sa inyo ang mga banal at maaasahang pagpapalagaya ng ipinangako ko kay David.’