36 “Nang maisagawa na ni David ang kalooban ng Diyos, siya'y namatay at inilibing sa piling ng kanyang mga ninuno, at siya'y dumanas ng pagkabulok.
37 Subalit si Jesus ay muling binuhay ng Diyos at hindi dumanas ng pagkabulok.
38 Dapat ninyong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinangaral sa inyo ang kapatawaran ng kasalanan.
39 At ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay pinapatawad na sa lahat ng pagkakasalang hindi naipatawad sa inyo sa pamamagitan ng pagtupad ng Kautusan ni Moises.
40 Kaya't mag-ingat kayo upang hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta,
41 ‘Tingnan ninyo, kayong mga nangungutya sa Diyos!Manggigilalas kayo at mapapahamak!Sapagkat isasagawa ko sa inyong kapanahunanang isang bagay na hindi ninyo paniniwalaan,kahit na may magpaliwanag pa nito sa inyo!’”
42 Nang sina Pablo at Bernabe ay palabas na sa sinagoga, inanyayahan sila ng mga tao na magsalita muli tungkol sa mga bagay na ito sa susunod na Araw ng Pamamahinga.