43 Pagkatapos ng pulong, sumunod kina Pablo at Bernabe ang maraming Judio at mga debotong Hentil na nahikayat mula sa relihiyong Judaismo. Nagsalita sa kanila ang mga apostol at pinangaralan silang magpatuloy sa pamumuhay nang nararapat ayon sa kagandahang-loob ng Diyos.
44 Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng tao sa lunsod ay nagkatipon upang makinig sa salita ng Panginoon.
45 Inggit na inggit naman ang mga Judio nang makita nila ang napakaraming tao, kaya't nilait nila at sinalungat si Pablo.
46 Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, “Sa inyo muna sana dapat ipahayag ang salita ng Diyos. Ngunit dahil itinatakwil ninyo ito, hinahatulan ninyo ang inyong sarili na kayo'y hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, kaya't sa mga Hentil na kami mangangaral.
47 Ganito ang iniutos sa amin ng Panginoon,‘Inilagay kitang liwanag sa mga Hentilupang maipangaral mo ang kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’”
48 Nang marinig ng mga Hentil ang mga salitang iyon, sila'y nagalak at nagpuri sa Panginoon dahil sa salita niya, at sumampalataya ang lahat ng hinirang para sa buhay na walang hanggan.
49 Kaya't lumaganap sa buong lupain ang salita ng Panginoon.