8 Ngunit sinalungat sila ng salamangkerong si Elimas (ito ang pangalan ni Bar-Jesus sa wikang Griego) upang huwag sumampalataya ang gobernador.
9 Si Saulo, na tinatawag ring Pablo, ay puspos ng Espiritu Santo. Tinitigan niya si Elimas
10 at pinagsabihan, “Ikaw! Anak ka ng diyablo! Kaaway ka ng lahat ng mabuti! Puno ka ng pandaraya at kasamaan! Bakit ba lagi mong pinipilipit ang katotohanan tungkol sa Panginoon?
11 Ngayon, paparusahan ka niya! Mabubulag ka sa loob ng kaunting panahon.”Noon di'y naramdaman ni Elimas na parang tinakpan ng maitim na ulap ang kanyang mga mata, at siya'y naghanap ng taong aakay sa kanya.
12 Sumampalataya ang gobernador nang makita ang nangyari, at humanga ito sa mga katuruan tungkol sa Panginoon.
13 Mula sa Pafos, naglayag sina Pablo hanggang sa Perga sa Pamfilia; humiwalay naman sa kanila si Juan at nagbalik sa Jerusalem.
14 Mula sa Perga, nagpatuloy sila hanggang Antioquia sa Pisidia. Nang Araw ng Pamamahinga, pumasok sila sa sinagoga at naupo.