24 Tinahak nila ang Pisidia at nakarating sila sa Pamfilia.
25 Ipinangaral nila sa Perga ang salita ng Diyos at pagkatapos ay tumuloy sila sa Atalia.
26 Mula roon, naglayag silang pabalik sa Antioquia. Dito sila ay ipinagkatiwala sa pagkalinga ng Diyos dahil sa gawaing kanilang natapos na.
27 Pagdating sa Antioquia tinipon nila ang mga kaanib sa iglesya at isinalaysay ang lahat ng ginawa ng Diyos sa kanila, at kung paanong binuksan niya ang pintuan sa mga Hentil upang ang mga ito'y sumampalataya rin.
28 At matagal silang nanatili roon kasama ng mga alagad.