3 Nanatili roon nang matagal sina Pablo at Bernabe, at buong tapang silang nangaral tungkol sa Panginoon. Pinapatunayan naman ng Panginoon na totoo ang pangangaral nila tungkol sa kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang gumawa ng mga himala.
4 Kaya't nahati ang mga tao sa lunsod; may pumapanig sa mga Judio, may pumapanig naman sa mga apostol.
5 Napagkasunduan ng mga Hentil, ng mga Judio, at ng kanilang mga pinuno, na hamakin at pagbabatuhin ang mga apostol.
6 Subalit nang malaman iyon ng dalawa, sila'y tumakas papuntang Listra at Derbe, mga lunsod ng Licaonia, at sa mga karatig na lupain,
7 at doon sila nangaral ng Magandang Balita.
8-9 Sa Listra ay may isang lalaking hindi nakakalakad dahil lumpo na ito mula pa nang ito'y isilang. Siya'y nakaupong nakikinig sa pangangaral ni Pablo. Nang makita ni Pablo na ang lumpo ay may pananampalatayang siya'y mapapagaling, tinitigan niya ang lumpo
10 at malakas na sinabi, “Tumayo ka!” Lumukso ang lalaki at nagsimulang lumakad.