5 Kaya't tumibay sa pananampalataya ang kaanib ng bawat iglesya, at araw-araw nadaragdagan ang bilang ng mga alagad.
6 Sapagkat binawalan sila ng Espiritu Santo na mangaral sa lalawigan ng Asia, naglakbay sina Pablo sa lupain ng Frigia at Galacia.
7 Pagdating sa hangganan ng Misia, nais nilang pumasok sa Bitinia, subalit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Jesus.
8 Kaya't dumaan sila ng Misia at nagpunta sa Troas.
9 Kinagabihan, nagkaroon si Pablo ng isang pangitain; isang lalaking taga-Macedonia ang nakatayo at nakikiusap sa kanya, “Pumarito kayo sa Macedonia at tulungan ninyo kami.”
10 Pagkatapos ng pangitaing ito, gumayak agad kami sapagkat natiyak naming kami'y tinatawag ng Diyos upang ipangaral sa Macedonia ang Magandang Balita.
11 Mula sa Troas, tuluy-tuloy kaming naglayag papuntang Samotracia, at kinabukasa'y sa Neapolis.