10 Nanaog din si Pablo at niyakap siya, “Huwag kayong magkagulo, buháy siya!”
11 Muling pumanhik si Pablo, at nagpira-piraso ng tinapay. Pagkatapos, nagpatuloy siya sa pangangaral sa kanila hanggang mag-uumaga, saka umalis.
12 Ang binata naman ay buháy na inihatid sa kanyang bahay, at ito'y nagdulot sa kanila ng malaking kaaliwan.
13 Sumakay kami sa barkong papuntang Ason. Doon kami magkikita ni Pablo ayon sa bilin niya sa amin, sapagkat sasakyang panlupa ang kanyang gagamitin papunta roon.
14 Nang magkita kami sa Ason, sumakay siya sa sinasakyan namin at sama-sama kaming pumunta sa Mitilene.
15 Mula roon, patuloy kaming naglakbay at kinabukasa'y dumating kami sa tapat ng Quio. Nang sumunod na araw, dumaan kami sa Samos, at makaraan ang isa pang araw ay dumating kami sa Mileto.
16 Ipinasya ni Pablong lampasan ang Efeso upang huwag siyang maantala sa Asia, sapagkat ibig niyang nasa Jerusalem na siya sa araw ng Pentecostes.