16 Ipinasya ni Pablong lampasan ang Efeso upang huwag siyang maantala sa Asia, sapagkat ibig niyang nasa Jerusalem na siya sa araw ng Pentecostes.
17 Mula sa Mileto, ipinatawag ni Pablo ang mga pinuno ng iglesya sa Efeso.
18 Pagdating nila ay kanyang sinabi,“Nalalaman ninyo kung paano ko ginugol ang buong panahong ipinamalagi ko sa inyong piling, mula noong unang araw na ako'y tumuntong sa Asia.
19 Naglingkod ako sa Panginoon ng buong kapakumbabaan at lumuluhang nagtiis ng maraming pagsubok dahil sa mga pagtatangka ng mga Judio.
20 Sa aking pagtuturo at pangangaral sa inyo, maging sa harapan ng madla o sa bahay-bahay man, hindi ako nangiming magsabi sa inyo ng anumang ikabubuti ninyo.
21 Maging Judio o Griego man ay pinapangaralan kong tumalikod sa kasalanan, manumbalik sa Diyos at manalig sa ating Panginoong Jesus.
22 Ngayon, bilang pagsunod sa Espiritu Santo, ako'y pupunta sa Jerusalem at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon.