12 Pagkarinig nito, kami naman at ang mga tagaroon ay nakiusap kay Pablo na huwag na siyang pumunta sa Jerusalem.
13 Ngunit sumagot si Pablo, “Bakit kayo umiiyak? Pinapahina lamang ninyo ang loob ko! Handa ako, hindi lamang pagapos, kundi kahit mamatay doon sa Jerusalem kung kailangan, alang-alang sa pangalan ng Panginoong Jesus.”
14 Tumigil na kami nang hindi namin siya mapigilan. Nasabi na lamang namin, “Masunod ang kalooban ng Panginoon.”
15 Makalipas ang ilang araw, gumayak kami at umalis papuntang Jerusalem.
16 Sumama sa amin ang ilan sa mga alagad na taga-Cesarea at dinala nila kami sa bahay ni Mnason na taga-Cyprus at doon kami nakituloy. Si Mnason ay matagal nang mananampalataya.
17 Pagdating sa Jerusalem, malugod naman kaming tinanggap ng mga kapatid.
18 Kinabukasan, kami nina Pablo'y nakipagkita kay Santiago; naroon din ang mga pinuno ng iglesya.