2 At nang maiharap si Pablo, sinimulan ni Tertulo ang pagsalaysay ng mga paratang kay Pablo. Sinabi niya,“Kagalang-galang na Gobernador Felix, utang namin sa inyong mahusay na pamumuno ang kapayapaang matagal na naming tinatamasa, gayundin ang mga pagbabago para sa ikauunlad ng aming bansa.
3 Ito'y kinikilala naming utang na loob, at lubos namin kayong pinasasalamatan saanman at magpakailanman.
4 Ngunit upang kayo ay huwag nang labis na maabala, mangyari lamang na kami'y pakinggan ninyong sandali.
5 Natuklasan naming ang taong ito'y nanggugulo. Ginugulo niya ang mga Judio saan man siya magpunta, at siya'y isang pasimuno ng sekta ng mga Nazareno.
6-8 Pati ang Templo namin ay tinangka niyang lapastanganin, kaya hinuli namin siya.“Sa pagsisiyasat ninyo sa kanya, malalaman ninyo ang lahat ng sumbong namin laban sa kanya.”
9 Pinatotohanan naman ng mga Judiong naroroon ang lahat ng sinabi ni Tertulo.
10 Si Pablo ay sinenyasan ng gobernador upang magsalita, kaya't sinabi niya,“Kagalang-galang na Gobernador, nalalaman kong kayo'y matagal nang hukom sa bansang ito, kaya't ikinagagalak kong ipagtanggol ang aking sarili sa harap ninyo.