17 Kaya't nang dumating sila rito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon; kinabukasan din, ipinatawag ko siya sa hukuman.
18 Nang tumayo ang mga nagsasakdal, hindi nila siya pinaratangan ng anumang mabigat na pagkakasala na inaakala kong ipaparatang nila.
19 Ang tangi nilang pinagtatalunan ay tungkol sa kanilang relihiyon at sa isang tao na ang pangala'y Jesus. Patay na ang taong ito, ngunit ipinipilit naman ni Pablo na siya'y buháy.
20 Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa bagay na ito, kaya't tinanong ko si Pablo kung nais niyang sa Jerusalem siya litisin.
21 Ngunit tumutol siya at hiniling na ipaubaya sa Emperador ang pagpapasya sa kanyang kaso. Dahil dito, pinabantayan ko siya upang ipadala sa Emperador.”
22 Sinabi ni Agripa kay Festo, “Gusto kong mapakinggan ang taong iyan.”“Mapapakinggan mo siya bukas,” tugon naman ni Festo.
23 Kinabukasan, dumating sina Agripa at Bernice, kasama ang matataas na punong kawal at ang mga tanyag na tao sa lunsod. Pumasok sila sa bulwagan ng hukuman at iniutos ni Festo na si Pablo'y iharap sa kanila.