10 Sabi niya, “Mga ginoo, sa tingin ko'y mapanganib na ang maglakbay mula ngayon, at maaaring mapinsala ang mga kargamento at ang barko, at nanganganib pati ang buhay natin.”
11 Ngunit higit na pinahalagahan ng kapitan ng mga sundalo ang salita ng may-ari at kapitan ng barko kaysa sa payo ni Pablo.
12 Dahil hindi mabuting tigilan ang daungang iyon kung panahon ng taglamig, minabuti ng nakararami na magpatuloy na sila sa kanilang paglalakbay, sa pag-asang makakarating sila sa Fenix. Ito'y isang daungan sa Creta, at nakaharap sa hilagang-kanluran at timog-kanluran.
13 Umihip nang marahan ang hangin buhat sa timog kaya't inakala nilang maaari na silang umalis. Isinampa nila ang angkla at sila'y namaybay sa Creta.
14 Ngunit di nagtagal, bumugso mula sa pulo ang isang malakas na hanging mula sa hilagang-silangan.
15 Hinampas nito ang barko, at dahil hindi kami makasalungat, nagpatangay na lamang kami sa hangin.
16 Nang makakubli kami sa isang maliit na pulo na tinatawag na Cauda, naisampa namin ang barko, ngunit nahirapan kami bago nagawa iyon.