1 Nang makaligtas na kami, nalaman naming ang pulong iyon ay tinatawag na Malta.
2 Napakaganda ng ipinakita sa amin ng mga tagaroon, sapagkat nang bumagsak ang ulan at naging maginaw, nagsiga sila at inasikaso kaming mabuti.
3 Si Pablo nama'y namulot ng kahoy at nang mailagay ang mga iyon sa sigá, mula roo'y lumabas ang isang ahas. Tinuklaw nito at pinuluputan ang kamay ni Pablo.
4 Nang makita ng mga tagaroon ang ahas na nakabitin sa kamay ni Pablo, nasabi nila sa isa't isa, “Siguro'y mamamatay-tao iyan. Nakaligtas nga siya sa dagat ngunit hindi naman ipinahintulot ng langit na siya'y mabuhay pa.”
5 Subalit ipinagpag lamang ni Pablo sa apoy ang ahas at hindi siya naano.
6 Hinihintay nilang mamaga si Pablo, o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Nang matagal na silang naghihintay at wala namang nangyayari sa kanya, nagbago sila ng akala. “Siya'y isang diyos,” sabi nila.
7 Ang pinuno sa pulong iyon ay isang nagngangalang Publio, at malapit sa lugar na iyon ang kanyang lupain. Malugod niya kaming pinatuloy sa loob ng tatlong araw.