11 Tatlong buwan ang nagdaan bago kami nakaalis doon, sakay ng isang barkong nagpalipas din ng taglamig sa pulo. “Kambal ng Diyos” ang pangalan ng barkong ito na nagmula sa Alejandria.
12 Dumaong kami sa Siracusa at tumigil doon nang tatlong araw.
13 Nagpatuloy kami ng paglalakbay at dumating sa Regio. Kinabukasa'y umihip ang hangin mula sa timog, at nakarating kami sa Puteoli sa loob lamang ng dalawang araw.
14 May natagpuan kami roong mga kapatid at inanyayahan nila kaming tumigil doon nang isang linggo. Mula roo'y ipinagpatuloy namin ang huling bahagi ng aming paglalakbay papuntang Roma.
15 Nabalitaan ng mga kapatid sa Roma ang tungkol sa amin, kaya't pumaroon sila sa Foro de Apio at sa Tres Tabernas upang kami'y salubungin. Nang makita sila ni Pablo, nagpasalamat siya sa Diyos, at lumakas naman ang kanyang loob.
16 Pagdating namin sa Roma, si Pablo'y pinahintulutang umupa ng sariling tirahan, kasama ang isang kawal na magbabantay sa kanya.
17 Makaraan ang tatlong araw, inanyayahan ni Pablo sa isang pulong ang mga pangunahing Judio sa lunsod. Nang magtipon na sila, sinabi niya, “Mga kapatid, kahit na ako'y walang ginawa laban sa ating bansa o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako sa Jerusalem at idinemanda sa kinatawan ng pamahalaang Romano.