22 Gayunman, nais naming mapakinggan kung ano ang masasabi mo, sapagkat alam naming kahit saan ay marami ang sinasabi ng mga tao laban sa sektang ito.”
23 Kaya't nagtakda sila ng araw. Marami ngang pumunta sa tinitirhan ni Pablo pagsapit ng araw na iyon. Maghapon siyang nagpaliwanag sa kanila at nagpatotoo tungkol sa kaharian ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kautusan ni Moises at ng mga sinulat ng mga propeta, sinikap niyang papaniwalain sila kay Jesus.
24 May naniwala at mayroon din namang hindi naniwala sa kanyang sinabi.
25 Kaya't nang hindi sila magkaisa, sila'y umalis matapos sabihin ni Pablo ang ganitong pangungusap, “Tama ang sinabi ng Espiritu Santo sa inyong mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias,
26 ‘Pumunta ka sa mga taong ito at sabihin mo sa kanila,Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa,at tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakakita.
27 Sapagkat napakatigas ng mga puso ng taong ito,mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,at ipinikit nila ang kanilang mga mata.Sapagkat ayaw nilang makakita ang kanilang mga mata,makarinig ang kanilang mga tainga,at makaunawa ang kanilang mga pag-iisip.Kung ganoon sana'y nagbalik-loob kayo sa akin,at kayo naman ay aking pagagalingin, sabi ng Panginoon.’”
28-29 Idinagdag pa ni Pablo, “Sinasabi ko sa inyo, ipinahayag na sa mga Hentil ang kaligtasang ito na mula sa Diyos, at diringgin nila ito!”