6 Hinihintay nilang mamaga si Pablo, o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Nang matagal na silang naghihintay at wala namang nangyayari sa kanya, nagbago sila ng akala. “Siya'y isang diyos,” sabi nila.
7 Ang pinuno sa pulong iyon ay isang nagngangalang Publio, at malapit sa lugar na iyon ang kanyang lupain. Malugod niya kaming pinatuloy sa loob ng tatlong araw.
8 Ang ama ni Publio ay nagkataong nakaratay noon dahil sa lagnat at disintirya, kaya't ito'y dinalaw ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling.
9 Dahil sa nangyaring ito, nagdatingan ang mga tagaroong may karamdaman, at sila'y pinagaling din ni Pablo.
10 Binigyan nila kami ng maraming regalo, at nang paalis na kami ay binigyan pa nila kami ng lahat ng kailangan sa paglalakbay.
11 Tatlong buwan ang nagdaan bago kami nakaalis doon, sakay ng isang barkong nagpalipas din ng taglamig sa pulo. “Kambal ng Diyos” ang pangalan ng barkong ito na nagmula sa Alejandria.
12 Dumaong kami sa Siracusa at tumigil doon nang tatlong araw.