11 “Nagkaroon ng taggutom at matinding paghihirap sa buong Egipto at Canaan. Maging ang ating mga ninuno ay walang makunan ng pagkain.
12 Kaya't nang mabalitaan ni Jacob na may trigo sa Egipto, pinapunta niya roon ang ating mga ninuno.
13 Sa ikalawang pagpunta nila, nagpakilala si Jose sa kanyang mga kapatid, at nalaman naman ng Faraon ang tungkol sa kanyang pamilya.
14 Dahil dito'y ipinasundo ni Jose ang kanyang amang si Jacob at ang buong pamilya nito, pitumpu't limang katao silang lahat.
15 Pumunta nga si Jacob sa Egipto at doon siya namatay, gayundin ang kanyang mga anak.
16 Ang kanilang mga labî ay dinala sa Shekem at inilagay sa libingang binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor.
17 “Maraming-marami na ang mga Israelita sa Egipto nang sumapit ang panahon para tuparin ng Diyos ang kanyang pangako kay Abraham.