41 At gumawa nga sila ng isang diyus-diyosang kahawig ng guya. Nag-alay sila ng handog at ipinagpista ang diyus-diyosang hinugis ng kanilang kamay.
42 Dahil diyan, itinakwil sila ng Diyos at hinayaang sumamba sa mga bituin sa langit, ayon sa nakasulat sa aklat ng mga propeta:‘Bayang Israel, hindi naman talaga akoang tunay na hinandugan ninyo ng mga alay at mga hayop na pinataysa loob ng apatnapung taóng kayo'y nasa ilang.
43 Sa halip, ang inyong dala-dala ay ang santuwaryo ni Molec,at ang bituin ng inyong diyus-diyosang si Renfan.Dahil ginawa ninyo ang mga rebultong ito upang sambahin,kayo ay dadalhing mga bihag sa kabila pa ng Babilonia.’
44 “Kasama ng ating mga ninuno sa ilang ang Toldang Tipanan na ipinagawa ng Diyos kay Moises ayon sa anyong ipinakita sa kanya.
45 Minana ito ng kanilang mga anak at dinala-dala habang sinasakop nila ang lupain ng mga bansang ipinalupig sa kanila ng Diyos sa pangunguna ni Josue. Ito'y nanatili roon hanggang sa kapanahunan ni David.
46 Kinalugdan ng Diyos si David, at humingi ito ng pahintulot na magtayo ng tahanan para sa Diyos ng Israel.
47 Ngunit si Solomon na ang nagtayo ng tahanang iyon.