31 Sagot naman nito, “Paano ko mauunawaan ito kung walang magpapaliwanag sa akin?” At si Felipe ay inanyayahan niyang sumakay sa karwahe at umupo sa kanyang tabi.
32 Ito ang bahagi ng kasulatang binabasa niya:“Siya ay tulad ng isang tupang nakatakdang patayin;tulad ng isang korderong hindi tumututol kahit na gupitan.At hindi umiimik kahit kaunti man.
33 Siya'y hinamak at pinagkaitan ng katarungan.Walang sinumang makapagsasalaysay tungkol sa kanyang angkan,sapagkat kinitil nila ang kanyang buhay.”
34 Nagtanong kay Felipe ang pinuno, “Sabihin mo nga sa akin, sino ba ang tinutukoy dito ng propeta? Sarili ba niya o iba?”
35 Simula sa kasulatang ito ay isinalaysay sa kanya ni Felipe ang Magandang Balita tungkol kay Jesus.
36-37 Nagpatuloy sila sa paglalakbay, at dumating sa isang lugar na may tubig. Kaya't sinabi ng pinuno, “Tingnan mo, may tubig dito! Hindi pa ba ako maaaring bautismuhan?”
38 Pinatigil ng pinuno ang karwahe, lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe.