23 Pagkaraan ng maraming araw, nagkaisa ang mga Judio na patayin si Saulo.
24 Araw at gabi ay inaabangan nila si Saulo sa mga pintuang-bayan para patayin, ngunit nalaman niya ito.
25 Kaya't isang gabi, inilagay siya ng kanyang mga alagad sa isang malaking basket at ibinabâ sa kabila ng pader.
26 Pagdating ni Saulo sa Jerusalem, sinikap niyang mapabilang sa mga alagad doon. Ngunit sila'y natatakot sa kanya dahil hindi sila makapaniwalang isa na siyang alagad.
27 Subalit isinama siya ni Bernabe sa mga apostol at isinalaysay nito sa kanila kung paano nagpakita at nakipag-usap ang Panginoon kay Saulo nang ito'y nasa daan papunta sa Damasco. Sinabi rin ni Bernabe na buong tapang na nangaral sa Damasco si Saulo sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesus.
28 Kaya mula noon, si Saulo'y kasa-kasama nila sa buong Jerusalem, at buong tapang na nangangaral doon sa pangalan ng Panginoon.
29 Nakipag-usap din siya at nakipagtalo sa mga Helenista, kaya't tinangka nilang patayin siya.