38 Di-kalayuan sa Joppa ang Lida. Kaya't nang mabalitaan ng mga alagad na nasa Lida si Pedro, isinugo nila ang dalawang lalaki upang siya'y pakiusapang pumunta agad sa Joppa.
39 Sumama naman sa kanila si Pedro, at pagdating doon, dinala siya sa silid sa itaas. Kaagad lumapit sa kanya ang lahat ng mga biyuda; umiiyak sila at ipinapakita ang mga mahabang panloob na kasuotan at mga damit na ginawa ni Dorcas para sa kanila noong ito'y nabubuhay pa.
40 Pinalabas ni Pedro ang lahat at siya'y lumuhod at nanalangin. Pagkatapos, humarap siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si Tabita at naupo nang makita nito si Pedro.
41 Hinawakan ni Pedro ang kanyang kamay at tinulungang bumangon. Pagkatapos, tinawag niya ang mga mananampalataya at ang mga biyuda, at iniharap sa kanila si Dorcas na buháy na.
42 Ang pangyayaring ito'y nabalita sa buong Joppa kaya't marami ang sumampalataya sa Panginoon.
43 Matagal-tagal ding nanatili si Pedro sa Joppa, sa bahay ni Simon na tagapagbilad ng balat ng hayop.