5 “Sino kayo, Panginoon?” tanong niya.“Ako'y si Jesus, ang iyong inuusig,” tugon ng tinig sa kanya.
6 “Tumayo ka't pumasok sa lunsod, at doo'y sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”
7 Natigilan ang mga kasama ni Saulo nang marinig nila ang tinig ngunit wala naman silang makitang nagsasalita.
8 Tumayo si Saulo at nang dumilat, hindi na siya makakita, kaya't siya'y inakay ng mga kasama niya hanggang sa Damasco.
9 Hindi siya nakakita sa loob ng tatlong araw, hindi rin siya kumain ni uminom.
10 Sa Damasco naman ay may isang alagad na ang pangala'y Ananias. Tinawag siya ng Panginoon sa pamamagitan ng isang pangitain, “Ananias!”“Ano po iyon, Panginoon,” tugon niya.
11 Inutusan siya ng Panginoon, “Pumunta ka sa kalyeng tinatawag na Tuwid, sa bahay ni Judas, at ipagtanong mo ang isang lalaking taga-Tarso na ang pangala'y Saulo. Siya'y nananalangin ngayon.