29 Ang mga anak ni Ismael ay sina Nebayot, Kedar, Adbeel, Mibsam,
30 Misma, Duma, Massa, Hadad, Tema,
31 Jetur, Nafis at Kedema.
32 Ito ang mga anak ni Abraham sa kanyang asawang-lingkod na si Ketura: sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Sua. Ang mga anak ni Jocsan ay sina Sheba at Dedan.
33 Mga anak ni Midian sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa.
34 Ang anak ni Abraham na si Isaac ay may dalawang anak: sina Esau at Jacob.
35 Ang mga anak ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeus, Jalam at Korah.