1 Si David ay nagkaroon ng mga anak sa Hebron. Ang una ay si Amnon, anak niya kay Ahinoam na Jezreelita. Ang pangalawa ay si Daniel na anak naman niya kay Abigail na taga-Carmel.
2 Ang pangatlo ay si Absalom, anak niya kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur. Si Adonias ang pang-apat, anak naman kay Haguit.
3 Ang panlima ay si Sefatias, anak kay Abital, at si Itream ang pang-anim na anak naman niya kay Egla.
4 Anim ang naging anak ni David sa Hebron sa loob ng pito at kalahating taon ng paghahari niya roon. Pagkatapos sa Hebron, tatlumpu't tatlong taon naman siyang naghari sa Jerusalem.
5 Doo'y apat ang naging anak niya kay Batsheba na anak ni Amiel. Ito'y sina Simea, Sobab, Natan at Solomon.
6 Siyam pa ang naging anak niya sa Jerusalem. Ito'y sina Ibhar, Elisama, Elifelet,
7 Noga, Nefeg, Jafia,
8 Elisama, Eliada at Elifelet.
9 Ang mga ito ang mga anak ni David bukod pa sa mga anak niya sa kanyang mga asawang-lingkod. Iisa ang anak niyang babae, si Tamar.
10 Ito ang angkan ni Solomon: anak ni Solomon si Rehoboam na ama ni Abias, at anak naman ni Abias si Asa na ama ni Jehoshafat.
11 Anak ni Jehoshafat si Joram na ama ni Ahazias. Anak naman ni Ahazias si Joas.
12 Anak ni Joas si Amazias na ama ni Azarias, na ama naman ni Jotam.
13 Anak ni Jotam si Ahaz na ama ni Ezequias na ama naman ni Manases.
14 Anak ni Manases si Ammon na ama ni Josias.
15 Apat ang naging anak ni Josias: sina Johanan, Jehoiakim, Zedekias at Sallum.
16 Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias na ama ni Zedekias.
17 Naging bihag sa Babilonia si Jeconias. Ang pito niyang anak ay sina Selatiel,
18 Malquiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama at Nedabias.
19 Ang mga anak naman ni Pedaya ay sina Zerubabel at Simei. Tatlo ang unang anak ni Zerubabel, sina Mesulam at Hananias at isang babae, si Selomit.
20 Ang lima pang anak niya ay sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias at Jusab-hesed.
21 Mga anak ni Hananias sina Pelatias at Jesaias. Anak ni Jesaias si Refaias, anak ni Refaias si Arnan, anak ni Arnan si Obadias at anak ni Obadias si Secanias.
22 Anim ang naging anak ni Secanias: sina Semaya, Hatus, Igal, Barias, Nearias at Safat.
23 Tatlo ang naging anak ni Nearias: sina Elioenai, Ezequias at Azrikam.
24 Pito naman ang naging anak ni Elioenai: sina Hodavias, Eliasib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaias at Anani.