44 Pagkamatay niya, siya'y pinalitan ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra.
45 Nang mamatay si Jobab, si Husam na isang Temaneo ang pumalit sa kanya.
46 Namatay si Husam at ang pumalit sa kanya ay isang taga-Avit, si Hadad na anak ni Bedad. Siya ang tumalo kay Midian sa lupain ng Moab.
47 Pagkamatay ni Hadad, pumalit sa kanya bilang hari si Samla na taga-Masreca.
48 Namatay din si Samla at pinalitan siya ni Saul na taga-Rehobot sa may Ilog Eufrates.
49 Nang mamatay si Saul, pumalit sa kanya bilang hari si Baal-hanan na anak ni Acbor.
50 Namatay si Baal-hanan at pumalit sa kanya si Hadad na taga-lunsod ng Pai. Si Hadad ang asawa ni Mehetabel na anak ni Matred. Si Matred ay anak na babae ni Mezahab.