1 Mga Cronica 11:20-26-47 RTPV05

20 Si Abisai na kapatid ni Joab ay nakapatay ng tatlong daang kaaway sa pamamagitan ng sibat, kaya lalo siyang kinilala ng Bantog na Tatlumpu na kanyang pinamumunuan.

21 Siya ang pinakamatapang sa Tatlumpu kaya naging pinuno ng mga ito. Ngunit hindi niya napantayan ang Tatlong mandirigma.

22 Kabilang din sa mga kinilalang kawal si Benaias na anak ni Joiadang taga-Kabzeel. Siya naman ang pumatay sa dalawang mandirigma sa Moab, at lumusong sa balon minsang taglamig at pumatay sa leong naroon.

23 Siya rin ang pumatay sa higanteng Egipcio na dalawa't kalahating metro ang taas at may armas na isang sibat na ang hawakan ay napakalaki. Sinagupa niya ito na ang hawak lamang niya'y batuta, ngunit naagaw niya ang sibat. Ito na rin ang ginamit niya sa pagpatay sa higante.

24 Dahil sa mga ginawang ito, siya'y nakilala rin, tulad ng Tatlo.

25 Nangunguna siya sa Tatlumpu, ngunit hindi rin niya nahigitan ang kagitingan ng Tatlo. Siya ang ginawa ni David na pinuno ng kanyang mga bantay.

26-47 Ito pa ang ilan sa mga magigiting na kawal ni David:Asahel, kapatid ni JoabElhanan, anak ni Dodo na mula sa BethlehemSamot na taga-HarodHelez na taga-PeletIra, anak ni Iques na taga-TekoaAbiezer na taga-AnatotSibecai na taga-HusaIlai na taga-AhoMaharai na taga-NetofaHeled, anak ni Baana na taga-Netofa rinItai, anak ni Ribai na taga-Gibea sa BenjaminBenaias na taga-PiratonHurai na mula sa kapatagan ng GaasAbiel na taga-ArbaAzmavet na taga-BahurimEliaba na taga-SaalbonHasem na taga-GizonJonatan, anak ni Sage na taga-ArarAhiam, anak ni Sacar na taga-Arar dinElifal, anak ni UrHefer na taga-MequeraAhias na taga-PelonHezro na taga-CarmelNaarai, anak ni EzbaiJoel, kapatid ni NatanMibhar, anak ni HagriZelec na taga-AmmonNaarai na taga-Berot, tagadala ng sandata ni JoabIra at Gareb na taga-JatirUrias na HeteoZabad, anak ni AhlaiAdina, anak ni Siza na isang pinuno sa angkan ni Ruben at may sariling pangkat ng tatlumpung taoHanan, anak ni MaacaJoshafat na taga-MitanUzias na taga-AsterotSammah at Jeiel, mga anak ni Hotam na taga-AroerJediael at Joha, mga anak ni Simri na taga-TizEliel na taga-MahavaJeribai at Josavia, mga anak ni ElnaamItma na taga-MoabEliel, Obed, at Jasael na mga taga-Zoba.