18 “Ang lupain ng Canaan sa iyo nakalaan.Ito'y isang pamana ko sa iyo at sa iyong angkan.”
19 Nang sila ay kakaunti pa at walang halaga,nangibang-bayan sila't sa Canaan nakitira.
20 Sa maraming bansa sila'y natatagpuan,nagpalipat-lipat sa iba't ibang kaharian.
21 Di hinayaan ng Diyos sila'y alipinin,mga hari'y binalaang huwag silang aapihin.
22 Sabi niya, “Huwag sasaktan ang bayan kong hinirang,ang mga propeta ko ay iyong igalang.”
23 Umawit ka kay Yahweh, buong sanlibutan,ipahayag araw-araw, bigay niyang kaligtasan.
24 Ipahayag sa mga bansa kanyang kaluwalhatian.Sabihin sa mga tao gawa niyang makapangyarihan.