1 Ito ang mga anak ni Jacob: Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun,
2 Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad, at Asher.
3 Ang mga anak ni Juda kay Bat-sua na isang Canaanita ay sina Er, Onan at Sela. Ang panganay niyang si Er ay naging masama sa paningin ni Yahweh kaya ito'y pinatay.
4 Sina Peres at Zera naman ang naging mga anak niya kay Tamar na kanyang manugang, kaya limang lahat ang anak ni Juda.