27 Labing-anim ang anak na lalaki ni Simei at anim naman ang babae. Ngunit kaunti lamang ang anak ng kanyang mga kapatid kaya hindi lumaki ang kanilang angkan tulad ng kay Juda.
28 Ito ang mga lunsod na tinirhan nila: Beer-seba, Molada, Hazar-shual,
29 Bilha, Ezem, Tolad,
30 Bethuel, Horma, Ziklag,
31 Beth-marcabot, Hazar-susim, Beth-biri, at Saaraim. Ito ang kanilang mga lunsod hanggang maging hari si David.
32 Kanila rin ang limang lunsod ng Etam, Ain, Rimon, Toquen at Asan,
33 pati ang mga nayon sa paligid nito hanggang sa bayan ng Baalat. Ito ang talaan na kanilang iniingatan tungkol sa kanilang mga angkan at mga lugar na kanilang tinirhan. Habang sila'y narito, mayroon silang sariling talaan ng kanilang angkan.