54-55 Ang mga lugar na inilaan para sa angkan ni Aaron sa angkan ni Kohat ay ang Hebron sa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito. Sila ang binigyan ng unang bahagi ng lupaing itinalaga para sa mga Levita.
56 Ang mga bukirin naman ng lunsod at mga nayong sakop nito ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune.
57 Ibinigay sa mga sumunod na salinlahi ni Aaron ang mga lunsod-kanlungan: ang Lunsod ng Hebron, Libna at ang mga pastulan nito; ang Jatir at Estemoa at ang mga pastulan ng mga ito;
58 ang Hilen at Debir at ang mga pastulan ng mga ito;
59 ang Asan at Beth-semes at ang mga pastulan ng mga ito.
60 Ang ibinigay naman sa lipi ni Benjamin ay ang Geba, Alemet at Anatot, kasama ang mga pastulan sa paligid nito. Labing-tatlong lunsod ang nakuha ng kanilang angkan.
61 Sampung lunsod ang nakuha ng iba pang angkan ni Kohat mula sa kalahating lipi ni Manases.