2 Katulad mo'y isang liryo sa gitna ng kasukalan,namumukod ka sa lahat, bukod-tangi, aking hirang.
3 Sa gitna ng kagubatan katulad niya ay mansanas,sa lahat ng mga tao, siya'y walang makatulad;ako'y laging nananabik sa lilim niya'y manatili,ang tamis ng bunga niya kung kanin ko'y anong sarap.
4 Nang ako ay kanyang dalhin sa sagana niyang hapag,sa piling niya'y nadama ko ang pag-ibig niyang tapat.
5 Ako'y kanyang pinakain ng sariwang mga ubas,at magiliw na binusog ng matamis na mansanas;dahil aking puso'y uhaw sa pagsinta mong wagas.
6 Ang kaliwa niyang bisig ang siya kong inuunan,habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay.
7 Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem,sa ngalan ng mga usa't mga hayop na matutulin,ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.
8 Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig,mga gulod, tinatahak upang ako'y makaniig.