1 Nasa hardin ako ngayon, aking mahal, aking sinta,at ako ay nangunguha ng balsamo at ng mira.Nilalasap ko ang tamis nitong pulot ng pukyutan,iniinom ko ang gatas at alak na malinamnam.Kumain na at uminom, kayong mga mangingibig,hanggang kayo ay malango sa tamis ng pag-ibig.
2 Kahit na nga sa pangarap kung ako ay natutulog,naririnig ang mahal ko, sa pintua'y kumakatok.“Ako'y iyong papasukin, aking mahal, aking sinta,na tulad ng kalapati, ubod linis at maganda,basang-basa ang ulo ko nitong hamog sa umaga.”
3 Muli pa bang magbibihis, gayong ako'y naghubad na?Akin bang dudumhan muli, nahugasan nang mga paa?
4 Nang hawakan ng mahal ko ang susian nitong pinto,damdamin ko ay sumigla, lumundag ang aking puso.
5 Ako ay bumangon upang siya ay pagbuksan,binasa ko ng mira itong aking mga kamay,at ako ay lumapit sa pinto ng aming bahay.
6 Ngunit nang siya'y pagbuksan ko, hindi ko na inabutan.Hinanap ko nang hinanap ngunit hindi natagpuan.Sa laki ng pananabik na tinig niya'y mapakinggan,tinawag ko nang tinawag ngunit walang kasagutan.
7 Ang mahal ko ay hinanap, di tumigil, di naglubay,hanggang ako ay mahuli, mga tanod nitong bayan.Hinagupit nila ako, walang awang sinugatan,balabal ko ay hinatak, pinunit pa at ginutay.
8 Mga dilag ng Jerusalem, ipangako ninyo sa akinkung mahal ko ay makita sa kanya sana'y sabihin,“Iyong sinta'y nanghihina, pag-ibig mo'y hanap niya.”
9 O babaing napakaganda, bakit di mo ilarawanhinahanap mong lalaki na sabi mo'y iyong mahal?Sa amin ay sabihin mo kaiba niyang katangian,na dahilan ng bilin mo't mahigpit na panambitan.
10 Ang irog ko ay makisig, matipuno ang katawan,sa sanlibo ay siya lang ang may gayong katangian.
11 Alun-alon ang buhok niya, mahaba at nangingintabmahal pa iyon kaysa ginto, kulay uwak ang katulad.
12 Mata niya'y mapupungay parang ibon sa may batis,kalapati ang katulad at gatas pa ang panlinis.
13 Ang kanyang mga pisngi'y simbango ng isang hardin,mga labi'y parang liryo, nakasasabik na simsimin.
14 Kamay niya ay maganda, O kay inam na pagmasdan,suot niyang mga singsing, bato nito'y ubod mahal.Wari'y garing ang katulad ng buo niyang katawan,naliligid ng pahiyas na safirong makikinang.
15 Mga hita niya at binti'y marmol ang kabagay,ang mga patungan ay gintong dalisay,parang Bundok ng Lebanon, na makapigil hininga,kung baga sa mga kahoy, mga sedar ang kagaya.
16 Mga labi ay maalab, matamis kung humalikbuo niyang katauhan, sadyang kaakit-akit.Iyan ang ayos at larawan nitong aking iniibig.