6 Ang kaliwa niyang bisig ang siya kong inuunan,habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay.
7 Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem,sa ngalan ng mga usa't mga hayop na matutulin,ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.
8 Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig,mga gulod, tinatahak upang ako'y makaniig.
9 Itong aking mangingibig ay tulad ng isang usa,mabilis kung kumilos, ang katawan ay masigla.Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya,sumisilip sa bintana upang ako ay makita.
10 Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang sinabi:Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal.
11 Lumipas na ang taglamig sa buong lupainat ang tag-ulan ay natapos na rin.
12 Bulaklak sa kaparangan tingna't namumukadkad,ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya,sa bukid, ang mga ibo'y masayang umaawit.