3 Sa akin ngang paglalakad, nakita ko'y mga bantay,nagmamanman, naglilibot, sa paligid, sa lansangan.Sa kanila ang tanong ko, “Mahal ko ba ay nasaan?”
4 Nang aking iwan ang nasabing mga tanod,bigla na lang nakita ang mahal kong iniirog.Siya'y aking hinawakan at hindi na binitiwan,hanggang siya'y madala ko sa bahay kong sinilangan.
5 Ipangako ninyo sa akin, mga dalaga sa Jerusalemsa ngalan ng mga usa at hayop na matutulin,ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.
6 Ano itong nakikitang nagmumula sa kaparangan?Wari'y pumapailanlang usok ng mira at kamanyang,na ang samyo ay katulad ng pabangong ubod mahal.
7 Dumarating si Solomon, sa trono niya'y nakaupo,ang kasamang mga bantay ay mayroong animnapu,pangunahing mga kawal, matatapang, matipuno.
8 Bawat isa ay may tabak at bihasa sa digmaan,nagbabantay kahit gabi, nakahanda sa paglaban.
9 Ang magandang trono nitong haring si Solomon,pawang yari sa piling kahoy ng Lebanon.