4 Nang aking iwan ang nasabing mga tanod,bigla na lang nakita ang mahal kong iniirog.Siya'y aking hinawakan at hindi na binitiwan,hanggang siya'y madala ko sa bahay kong sinilangan.
5 Ipangako ninyo sa akin, mga dalaga sa Jerusalemsa ngalan ng mga usa at hayop na matutulin,ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.
6 Ano itong nakikitang nagmumula sa kaparangan?Wari'y pumapailanlang usok ng mira at kamanyang,na ang samyo ay katulad ng pabangong ubod mahal.
7 Dumarating si Solomon, sa trono niya'y nakaupo,ang kasamang mga bantay ay mayroong animnapu,pangunahing mga kawal, matatapang, matipuno.
8 Bawat isa ay may tabak at bihasa sa digmaan,nagbabantay kahit gabi, nakahanda sa paglaban.
9 Ang magandang trono nitong haring si Solomon,pawang yari sa piling kahoy ng Lebanon.
10 Ang lahat ng tukod nito'y nababalutan ng pilak,ang habong naman nito'y may palamuting gintong payak,iyon namang mga kutson, kulay ube ang nakabalot;mga dalaga sa Jerusalem ang humabi at naggayak.