1 Kay ganda mo, aking mahal,ang mata mo'y mapupungay!Ang buhok mong anong haba, pagkilos mo'y nagsasayawparang kawan na naglalaro sa bundok ng Gilead.
2 Ang ngipin mo ay simputi nitong tupang bagong linis,walang bungi kahit isa, maganda ang pagkaparis.
3 Ang labi mo'y pulang-pula katulad ng escarlata,kapag ika'y nangungusap lalo itong gumaganda,aninag sa iyong belo ang pisngi mong namumula.
4 Ang leeg mo'y ubod kinis, may kuwintas na kay inam,parang tore ni David, na ligid ng mga kawal.
5 Parang usang magkaparis ang malusog na dibdib mo,masayang kumakain sa gitna ng mga liryo.
6 Hanggang sa dumating ang bukang-liwayway,hanggang sa mapawi ang pusikitna karimlan,sa dibdib mong ubod bango ako ay hihimlay,pagkat ito ay simbango ng miraat ng kamanyang.