2 Ang ngipin mo ay simputi nitong tupang bagong linis,walang bungi kahit isa, maganda ang pagkaparis.
3 Ang labi mo'y pulang-pula katulad ng escarlata,kapag ika'y nangungusap lalo itong gumaganda,aninag sa iyong belo ang pisngi mong namumula.
4 Ang leeg mo'y ubod kinis, may kuwintas na kay inam,parang tore ni David, na ligid ng mga kawal.
5 Parang usang magkaparis ang malusog na dibdib mo,masayang kumakain sa gitna ng mga liryo.
6 Hanggang sa dumating ang bukang-liwayway,hanggang sa mapawi ang pusikitna karimlan,sa dibdib mong ubod bango ako ay hihimlay,pagkat ito ay simbango ng miraat ng kamanyang.
7 Kay ganda mo, aking sinta; kay ganda mo, aking mahal.Wala akong maipintas sa taglay mong kagandahan.
8 Halika na, aking mahal, sa akin ay sumama ka,lisanin na natin ang Lebanon at ang Bundok ng Amana,iwan mo na ang Bundok ng Senir at ng Hermon,ang taguan niyong mga leopardo at mga leon.