6 Hanggang sa dumating ang bukang-liwayway,hanggang sa mapawi ang pusikitna karimlan,sa dibdib mong ubod bango ako ay hihimlay,pagkat ito ay simbango ng miraat ng kamanyang.
7 Kay ganda mo, aking sinta; kay ganda mo, aking mahal.Wala akong maipintas sa taglay mong kagandahan.
8 Halika na, aking mahal, sa akin ay sumama ka,lisanin na natin ang Lebanon at ang Bundok ng Amana,iwan mo na ang Bundok ng Senir at ng Hermon,ang taguan niyong mga leopardo at mga leon.
9 Aking mahal, aking sinta, ang puso ko ay nabihag,ng mata mong mapang-akit at leeg mo na may kuwintas.
10 Aking mahal, aking sinta, kay tamis ng iyong pag-ibig,alak man na ubod-tamis, sa iyo'y di maipaparis,halimuyak ng bango mo ay walang makakatalo.
11 Ang labi mo, aking hirang, sintamis ng mga pulot,ang dila mo'y waring gatas, ligaya ang siyang dulot,ang bango ng Lebanon ay tila nasa iyong suot.
12 Katulad ng isang hardin itong aking minamahal,na may bakod sa palibot at sarili ang bukal.