2 Kahit na nga sa pangarap kung ako ay natutulog,naririnig ang mahal ko, sa pintua'y kumakatok.“Ako'y iyong papasukin, aking mahal, aking sinta,na tulad ng kalapati, ubod linis at maganda,basang-basa ang ulo ko nitong hamog sa umaga.”
3 Muli pa bang magbibihis, gayong ako'y naghubad na?Akin bang dudumhan muli, nahugasan nang mga paa?
4 Nang hawakan ng mahal ko ang susian nitong pinto,damdamin ko ay sumigla, lumundag ang aking puso.
5 Ako ay bumangon upang siya ay pagbuksan,binasa ko ng mira itong aking mga kamay,at ako ay lumapit sa pinto ng aming bahay.
6 Ngunit nang siya'y pagbuksan ko, hindi ko na inabutan.Hinanap ko nang hinanap ngunit hindi natagpuan.Sa laki ng pananabik na tinig niya'y mapakinggan,tinawag ko nang tinawag ngunit walang kasagutan.
7 Ang mahal ko ay hinanap, di tumigil, di naglubay,hanggang ako ay mahuli, mga tanod nitong bayan.Hinagupit nila ako, walang awang sinugatan,balabal ko ay hinatak, pinunit pa at ginutay.
8 Mga dilag ng Jerusalem, ipangako ninyo sa akinkung mahal ko ay makita sa kanya sana'y sabihin,“Iyong sinta'y nanghihina, pag-ibig mo'y hanap niya.”