5 Ako ay bumangon upang siya ay pagbuksan,binasa ko ng mira itong aking mga kamay,at ako ay lumapit sa pinto ng aming bahay.
6 Ngunit nang siya'y pagbuksan ko, hindi ko na inabutan.Hinanap ko nang hinanap ngunit hindi natagpuan.Sa laki ng pananabik na tinig niya'y mapakinggan,tinawag ko nang tinawag ngunit walang kasagutan.
7 Ang mahal ko ay hinanap, di tumigil, di naglubay,hanggang ako ay mahuli, mga tanod nitong bayan.Hinagupit nila ako, walang awang sinugatan,balabal ko ay hinatak, pinunit pa at ginutay.
8 Mga dilag ng Jerusalem, ipangako ninyo sa akinkung mahal ko ay makita sa kanya sana'y sabihin,“Iyong sinta'y nanghihina, pag-ibig mo'y hanap niya.”
9 O babaing napakaganda, bakit di mo ilarawanhinahanap mong lalaki na sabi mo'y iyong mahal?Sa amin ay sabihin mo kaiba niyang katangian,na dahilan ng bilin mo't mahigpit na panambitan.
10 Ang irog ko ay makisig, matipuno ang katawan,sa sanlibo ay siya lang ang may gayong katangian.
11 Alun-alon ang buhok niya, mahaba at nangingintabmahal pa iyon kaysa ginto, kulay uwak ang katulad.