3 Ang irog ko'y akin lamang, at sa kanya naman ako;sa kanya na nagpapastol ng kawan sa mga liryo.
4 Katulad ng Jerusalem ang ganda mong tinataglay,tila Tirzang may pang-akit ang iyong kagandahan.
5 Sa aki'y huwag mong ititig ang mata mong mapupungay,pagkat ako'y nabibihag, hindi ako mapalagay.Ang buhok mong anong haba, pagkilos mo'y sumasayawparang kawan na naglalaro sa bundok ng Gilead.
6 Ang ngipin mo'y kasimputi nitong tupang bagong linis,walang kulang kahit isa, maganda ang pagkaparis.
7 Ang ganda mo'y di magawang maitago nang lubusannasisinag sa belo mo kagandahang tinataglay.
8 Ang reyna ko'y animnapu, walumpu ang kalaguyo;bukod doo'y marami pang di mabilang na kasuyo.
9 Ngunit ang tangi kong mahal ay iisa lamang,kalapati ang katulad ng taglay niyang kagandahan.Nag-iisa siyang anak ng ina niyang minamahal,kaya siya'y mahal nito nang higit sa kaninuman.“Tunay na siya ay mapalad,” mga dalaga'y nagsasabimga reyna't kalaguyo sa kanya ay pumupuri.