8 Ang reyna ko'y animnapu, walumpu ang kalaguyo;bukod doo'y marami pang di mabilang na kasuyo.
9 Ngunit ang tangi kong mahal ay iisa lamang,kalapati ang katulad ng taglay niyang kagandahan.Nag-iisa siyang anak ng ina niyang minamahal,kaya siya'y mahal nito nang higit sa kaninuman.“Tunay na siya ay mapalad,” mga dalaga'y nagsasabimga reyna't kalaguyo sa kanya ay pumupuri.
10 “Sino itong sa tingin ko ay tila bukang-liwayway,kasingganda ng buwan, kasing ningning nitong araw?”
11 Ang hardin ng almendra ay akin nang pinuntahanupang tingnan sa libis, bagong sibol na halaman.Pati ang mga ubas, baka nais nang magbunga,at saka ang mga puno nitong kahoy na granada.
12 Kay laki ng pananabik na ikaw ay makatalik;katulad ko'y mandirigma, labanan ang siyang nais.
13 Magsayaw ka, magsayaw ka, O babaing Sulamita,upang ika'y mapagmasdan, O dalagang sakdal ganda.Ano't inyong ninanais na masdan ang Sulamita,na tulad ng mananayaw sa panahon noong una?