6 Kay ganda mo, aking mahal; kay ganda mo, aking sinta,sa akin ay nagdudulot ka ng galak at ligaya.
7 Kay hinhin ng iyong kilos tulad ng punong palmera,ang dibdib mong ubod yaman ay tulad ng buwig niya.
8 Puno niya'y aakyatin upang bunga ay pitasin.Sa tingin ko ang dibdib mo'y buwig ng ubas ang kahambing,hininga mo ay mabango, mansanas nga ang katuring.
9 Ang tamis ng iyong labi ay katulad ng inumin,dahan-dahang tumatalab habang ito'y sinisimsim.
10 Itong buhay na taglay ko'y sa sinta ko nakalaan,sa akin siya'y nananabik, lagi akong inaasam.
11 Halika na, aking mahal, tayo na ro'n sa may parang,ang gabi ay palipasing magkasalo sa ubasan.
12 At pagdating ng umaga, isa-isa nating tingnankung ang puno'y nagsusupling, bulaklak ay lumilitaw;ganoon din ang granada, tingnan natin ang bulaklak,at doon ay lasapin mo ang pag-ibig kong matapat.