1 Bakit kaya ika'y hindi naging isa kong kapatid?Inaruga ng ina ko, lumaki sa kanyang dibdib,upang kahit sa lansangan, kung sa iyo ay humalikay di tayo papansinin, pagkat tayo'y magkapatid.
2 Sa bahay ng aking ina ikaw ay aking dadalhinupang doon ituro at ipadama ang paggiliw,dudulutan ka ng alak, ng masarap na inumin.
3 Sa kaliwa niyang kamay ang ulo ko'y nakaunanhabang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay.
4 Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem,ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.