2 Sa bahay ng aking ina ikaw ay aking dadalhinupang doon ituro at ipadama ang paggiliw,dudulutan ka ng alak, ng masarap na inumin.
3 Sa kaliwa niyang kamay ang ulo ko'y nakaunanhabang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay.
4 Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem,ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.
5 Sino itong dumarating na buhat sa kaparangan,hawak-hawak pa ang kamay ng kanyang minamahal?Sa puno ng mansanas, ikaw ay aking ginising,doon mismo sa lugar na iyong sinilangan.
6 Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong.O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon;sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy.
7 Kahit baha ay di kayang pigilin itong paggiliw,buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin.Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin,baka nga ang mangyari ay ikaw pa ang siyang kutyain.
8 Kami ay mayro'ng kapatid, dibdib niya ay maliit,ano kayang dapat gawin kung sa kanya'y may umibig?