5 Pagkatapos ay sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan,“Masdan mo ang mga bansang nakapalibot sa iyoat mamamangha ka at magugulat sa iyong makikita.Hindi magtatagal at mayroon akong gagawinghindi mo paniniwalaan kapag nabalitaan mo.
6 Papalakarin ko sa kapangyarihan ang mga taga-Babilonia—ang bansang kilala sa kalupitan at karahasan.Sinasalakay nila ang lahat ng dako ng daigdigupang sakupin ang lupaing hindi kanila.
7 Naghahasik sila ng takot at sindak;ipinagmamapuri nila na sila mismo ang batas.
8 Ang mga kabayo nila'y mas mabibilis kaysa mga leopardo,mas mababangis kaysa mga asong-gubat pagsapit ng gabi.Ang kanilang mga mangangabayo ay rumaragasa mula sa malalayong lupain;para silang mga agila na dumadagit sa kanilang biktima.
9 Ang kanilang mga hukbo ay marahas na sumasalakay,at lahat ay nasisindak habang sila'y nananakop.Di mabilang na parang buhangin ang kanilang mga bihag.
10 Hinahamak nila ang mga hari,at walang pinunong iginagalang.Pinagtatawanan lamang nila ang bawat muog,sapagkat ito'y kanilang nilulusob at madaling nakukuha.
11 Pagkatapos ay nagpapatuloy silang parang malakas na hangin;walang dinidiyoskundi ang sarili nilang lakas.”