8 Ang mga kabayo nila'y mas mabibilis kaysa mga leopardo,mas mababangis kaysa mga asong-gubat pagsapit ng gabi.Ang kanilang mga mangangabayo ay rumaragasa mula sa malalayong lupain;para silang mga agila na dumadagit sa kanilang biktima.
9 Ang kanilang mga hukbo ay marahas na sumasalakay,at lahat ay nasisindak habang sila'y nananakop.Di mabilang na parang buhangin ang kanilang mga bihag.
10 Hinahamak nila ang mga hari,at walang pinunong iginagalang.Pinagtatawanan lamang nila ang bawat muog,sapagkat ito'y kanilang nilulusob at madaling nakukuha.
11 Pagkatapos ay nagpapatuloy silang parang malakas na hangin;walang dinidiyoskundi ang sarili nilang lakas.”
12 O Yahweh, kayo ay Diyos na walang hanggan.Kayo ang aking Diyos, banal at magpakailanman.O Yahweh, aking Diyos at tanggulan,pinili ninyo ang mga taga-Babilonia at sila'y inyong pinalakas.O Batong matibay, inilagay mo sila upang kami'y pahirapan,upang kami'y parusahan.
13 Ngunit paano ninyo natitiis ang mga taksil at masasamang taong ito?Napakabanal ng inyong paningin upang masdan ang kasamaan.Hindi ninyo matitiis ang mga taong gumagawa ng mali.Bakit hindi kayo kumikibo gayong pinupuksa nilaang mga taong higit na mabuti kaysa kanila?
14 Itinuturing mo ang mga tao na gaya ng mga isda,o gaya ng mga kulisap na walang mangunguna sa kanila.