1 Aakyat ako sa bantayan at hihintayinang sasabihin ni Yahweh sa akin,at ang tugon niya sa aking daing.
2 Ito ang tugon ni Yahweh:“Isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng batoang pangitaing ipahahayag ko sa iyo,upang sa isang sulyap ay mabasa agad at maipabatid ito.
3 Isulat mo ito sapagkat hindi pa panahon upang ito ay maganap.Ngunit mabilis na lilipas ang panahon,at mangyayari ang ipinakita ko sa iyo.Bagama't parang mabagal ito, hintayin mo.Tiyak na mangyayari at hindi maaantala ito.
4 Ito ang mensahe: “Ang hambog ay mabibigo sa kanyang pagmamataas,ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.”
5 Ang kayamanan ay mandaraya.Ang ganid sa salapi ay hindi makukuntento.Ang kanyang katakawan ay kasinlawak ng libingan,tulad ng kamatayan na walang kasiyahan.Kaya sinasakop niya ang mga bansa,upang maging kanya ang mga mamamayan.
6 Darating ang araw na hahamakin ng mga nasakop ang mga sumakop sa kanila.Sasabihin nila, “Kinuha ninyo ang hindi sa inyo, kaya't kayo'y mapapahamak!Hanggang kailan pa kayo magpapayaman, habang pinipilit na magbayad ang mga may utang sa inyo?”
7 Biglang darating ang panahon na kayo naman ang mangungutang,at pipiliting magbayad ng interes.Darating ang inyong kaaway at sisindakin kayo.Pagnanakawan nila kayo!